PDLs sa BJMP Pulilan, sumailalim sa NC II Dressmaking assessment
Angelo Calixtro March 26, 2026 at 04:15 PM
PULILAN, Bulacan — Sumailalim sa NC II Dressmaking assessment ang Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Pulilan Municipal Jail bilang bahagi ng programang naglalayong mabigyan sila ng bagong kasanayan at oportunidad para sa kanilang reintegrasyon sa lipunan.
Isinagawa ang assessment sa kakayahan ng mga PDLs sa pananahi at paggawa ng kasuotan ngayong Marso 26, alinsunod sa pamantayan ng Technical Education and Skills Development Authority para sa National Certificate II (NC II) sa Dressmaking.
Layunin ng programa na ihanda ang mga kalahok sa posibleng pagkakakitaan sa hinaharap, lalo na sa larangan ng garment at tailoring, sa oras na sila ay makalaya.
Ayon sa PESO Pulilan, ang ganitong inisyatibo ay bahagi ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng pamahalaang bayan na mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga PDLs sa pamamagitan ng skills training at livelihood programs.
📷 PESO Pulilan FB