Peace covenant ng mga kandidato sa BSKE; Most wanted sa kasong rape arestado
Reggie Vizmanos October 10, 2023 at 07:25 PMPinangunahan ng Caloocan City Police Station (CCPS) at ng Northern Police District (NPD) ang pagkakaisa at paglagda ng mga kandidato para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 sa peace covenant o kasunduan sa pagdaraos ng mapayapa at maayos na halalan.
Dumalo sina NPD District Director PBrig. Gen. Rizalito Gapas at CCPS Chief of Police PCol Ruben Lacuesta sa naturang aktibidad na ginanap sa Caloocan Sports Complex.
Nakiisa rin ang mga lider ng iba-ibang relihiyon tulad nina Fr. James NItollama, parish priest ng Sta. Krus Parish ng Bagumbong, Caloocan; Pastor Dick Latade ng The Greatness of Our God Christian Fellowship; at Imam Omar Subia; gayundin si Comelec District 1 Election Officer Atty. Ma. Anne Gonzales at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) officer Ms. Heidee Abenoja.
Samantala, naaresto ng Caloocan Police ang itinuturing na most wanted sa kasong rape sa lungsod. Ang naturang lalaki ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act (R.A) 8353 o An Act Expanding the Definition of the Crime of Rape.
Isa pang lalaki ang inaresto rin sa lungsod sa bisa naman ng warrant para sa kasong paglabag sa Section 28 ng RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.
Photo: Bro. Dick FB (Greatness of Our God Christian Fellowship), Caloocan City Police Station FB