PHACTO OIC, itinalaga ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan
Angelo Calixtro February 12, 2026 at 05:20 PM
BULACAN — Inanunsyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang pagkakatalaga kay Limuel Jan Lobederio bilang Officer-in-Charge (OIC) at Department Head ng Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office (PHACTO).
Ayon sa anunsyo, si Lobederio ang mangunguna sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba ng lalawigan na nakatuon sa kasaysayan, sining, kultura, at turismo.
Layunin ng mga programang ito na higit pang mapalakas ang pangangalaga sa pamanang Bulakenyo at mapalago ang turismo sa lalawigan.
Inaasahan din na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay mapapalawak ang mga proyekto na magbibigay-diin sa makasaysayang pagkakakilanlan ng Bulacan, habang isinusulong ang sining at kultura bilang mahalagang bahagi ng kaunlaran ng lalawigan.
📷 Limuel Jan Lobederio FB