| Contact Us

Pinaghihinalaang fixer arestado sa LTO Caloocan

Ace Cruz July 17, 2021 at 10:10 AM

Arestado ang isang diumano’y fixer sa labas ng tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa Lungsod ng Caloocan.

Sa inilabas na pahayag ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), nagsagawa sila ng isang entrapment operation katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang si Crisanto Dela Peña. Nag-aalok diumano siya ng serbisyo sa pagproseso ng papeles sa LTO kapalit ng pera.

Nauna rito ay nilapitan diumano ng suspek ang agent ng ARTA at inalok daw ng serbisyo para makakuha ng student driver permit sa halagang apat na libong piso.

Kasunod nito, sinabi ni ARTA Director General, Secretary Jeremiah Belgica na sasampahan ng kaso ang mga opisyales ng ahensya na posible raw kumukunsinti sa maling gawain ng mga fixer.

Makailang beses na rin daw silang nagpaalala noon na magtulungang wakasan ang pamamayagpag ng mga maling gawain.

“Kami po’y magsasampa ng kaso sa mga opisyales laban diyan sa loob ng LTO, pati rin po sa opisyales ng barangay dahil doon po sa kanilang area ito nangyari ulit.”

“Sinabihan na po natin sila na magtulungan para linisin ‘yung lugar na ‘yan pero mukhang naglilipana pa rin diyan.” giit ni Belgica.

Photo courtesy of ARTA Fb page.

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last