| Contact Us

Pinasinayaan ng Caloocan LGU ang bagong animal shelter sa Barangay 178, Camarin

Paulo Gaborni June 30, 2023 at 02:44 PM

Pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang bagong animal shelter para sa mga ligaw na hayop sa Barangay 178, Phase 6, Camarin, Caloocan.

Sa isang pahayag, binigyang diin ni Caloocan City Mayor Dale “Along” Malapitan na pet-friendly ang lungsod na kanyang pinamumunuan.

“Sa tulong ng City Veterinary Department (CVD) hangad ko na manatili tayo bilang isang pet-friendly city. Bukod sa pasilidad na ito, sisikapin nating makapaglaan ng iba pang serbisyo para sa ikabubuti ng mga kakalingain nating hayop.” wika ni Mayor Along Malapitan sa pagbubukas ng animal shelter.

“Panawagan ko sa mga mamamayan, maging responsible pet owner po tayo sa lahat ng oras,” dagdag pa ng alkalde.

Ang muling pagtatayo ng animal shelter sa Camarin ay bahagi ng pagtataguyod ng responsableng pagmamay-ari ng alagang hayop gayundin ang pagprotekta sa kalusugan at kapakanan ng mga residente sa Caloocan North.

Sa mga nais namang tumulong o mag-ampon ng alagang hayop, bukas din ang Caloocan City Animal Pound sa Barangay 178, Camarin.

Photo: Mayor Along Malapitan FB

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last