| Contact Us

PUP Caloocan North Campus sinimulan na ang konstruksyon; Mga kooperatiba sa lungsod pinarangalan

Reggie Vizmanos October 22, 2023 at 02:37 PM

Sinimulan na noong Oktubre 20 ang konstruksyon ng Polytechnic University of the Philippines (PUP)

Caloocan City North Campus.

Bago ito, isang groundbreaking ceremony ang isinagawa na dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalan.

Ayon kay Congressman Oca Malapitan, ang pagtatatag ng PUP-North Caloocan campus ay naisakatuparan dahil sa isinulong na batas ni Mayor Along Malapitan noong siya ay Congressman.

Sinabi niya na bilang kasalukuyang kinatawan naman ng unang distrito ng Lungsod ng Caloocan ay inasikaso niya ang paglalaan ng budget para sa agarang konstruksyon nito.

Ibinahagi rin ni Congressman Oca Malapitan na ito ang magiging kauna-unahang leading state university sa CAMANAVA area na naglalayong madagdagan ang mga pamantasan na nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mababang tuition fee.

Ang PUP-North Caloocan ay itatayo sa Rainbow Village Subdivision, Phase 3, Barangay 168.

Samantala, binigyan ng kaukulang pagkilala at parangal ang 31 natatanging kooperatiba sa Caloocan bilang bahagi ng paggunita sa Cooperative Month ngayong Oktubre.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Caloocan City Cooperative Development and Coordinating Office sa pamumuno ni

Mr. Allan Lambojo (OIC – Cooperative Division in Caloocan City LGU).

Ang okasyon ay alinsunod sa Republic Act No. 11502 (An Act declaring the month of October of every year as the “National Cooperative Month”) na nagbibigay ng pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng mga kooperatiba sa pag-unlad ng lipunan.

Photo Cong. Oca Malapitan FB, Mayor Along Malapitan FB

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last