| Contact Us

Pusa pwedeng ampunin sa Caloocan. Anti-rabies vaccine tuloy-tuloy rin

Mike Manalaysay September 13, 2022 at 02:16 PM

Inanunsyo ng Caloocan Public Information Office (CPIO) ang proyektong “Be my PAW-mily.” Ayon sa kanilang Facebook post, bukas sa mga gustong mag-ampon ang mga pusa na nasa pangangalaga ng City Veterinary Services ng lokal na pamahalaan.

May inilatag lang na ilang kondisyon para masigurado raw na mapupunta sa mabuting pamilya ang mga pusa:

  • Residente ng Caloocan na nasa hustong gulang at may kakayahang tustusan ang pangangailangan ng hayop.
  • Mayroong sapat na lugar na paglalagyan ng pusa, (0.5 x 0.5 x 0.5 m).
  • Mangangakong hindi sasaktan, mamaltratuhin o papabayaan ang pusa sa anumang kadahilanan

Dagdag pa ng CPIO, pwedeng bisitahin ang pusang gustong ampunin

Magpupunta rin daw ang mga kawani ng City Veterinary Services sa bahay ng nag-ampon para siguraduhing naaalagaan nang maayos ang mga pusa.

Para sa Karagdagang detalye, maaaring magtungo sa City Veterinary Services, 6th floor ng Caloocan City Hall South o tumawag sa 8288-8811 local 2

Samantala, tuloy-tuloy rin ang proyekto ng City Veterinary Services (CVS) na pagbibigay ng libreng anti-rabies vaccination sa mga alagang aso at pusa sa iba’t ibang barangay sa Caloocan.

Ngayong araw, September 13, bumisita sa Barangay 86 ang City Veterinary Services para magbigay ng bakuna sa mga pet dog at pet cat sa lugar.

Photo: Caloocan Public Information Office

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 20 Last