Pwede na muling magpunta sa mga vaccination site sa Lungsod ng Caloocan ang mga residente nitong gustong mabigyan ng karagdagang proteksyon kontra COVID-19
Ace Cruz September 12, 2021 at 08:32 AMSa abiso ng Caloocan City Local Government Unit o LGU, ito’y dahil muli nang papayagan ang walk-in sa lahat ng mga pinagdarausan ng pagbabakuna.
Ibig sabihin lamang, ang sinumang residente ng lungsod na 18 taong gulang pataas na nais mabakunahan ay pwedeng pumunta sa mga vaccination site kahit pa walang pre-scheduled stub mula sa kanilang barangay.
Nauna rito, ipinatigil pansamantala ang walk-in vaccination sa lungsod nitong umiral ang mahigpit na community quarantine para maiwasan ang pagdagsa ng tao o maging super spreader event.
Sa pinakahuling tala ng Caloocan City Health Department, pumalo na sa 1,341,775 ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod.
809,529 na indibidwal o 67.32% sa mga ito ang nakatanggap ng first dose hahang ang 532,246 na indibidwal o 45.94% ang fully vaccinated na o nakatanggap ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Photo courtesy of Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan Fb Page