Sen. Bong Go pinangunahan ang groundbreaking para sa pagtatayo ng ‘super health center’ sa Caloocan
Reggie Vizmanos August 3, 2023 at 06:00 PMPinangunahan ni Senator Bong Go ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng Super Health Center sa Barangay 28, Caloocan City kahapon, Agosto 2.
Ayon kay Go, na siyang chairman ng Senate Committee on Health, isa sa pangunahing advocacy niya ang pagtatayo ng mga super health center sa ibat-ibang bahagi ng bansa upang mas mailapit sa mga mamamayan ang de-kalidad na serbisyong medikal at pangkalusugan.
Ang mga super health center ay may kakayahang magbigay ng serbisyo tulad ng database management, outpatient care, birthing, isolation, diagnostics (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy, ambulatory surgical units, EENT (eye, ear, nose, and throat) care, oncology centers, physical therapy and rehabilitation centers, at telemedicine.
Kasama sa okasyon sina Health Secretary Ted Herbosa, Congressman Oca Malapitan ng 1st District, Congresswoman Mitch Cajayon-Uy ng 2nd District, Mayor Along Malapitan, Vice Mayor Karina Teh, ilang miyembro ng Sangguniang Panglungsod at si City Health Officer Dr. Evelyn Cuevas.
Pagkatapos ng groundbreaking ceremony ay personal ding namahagi ng tulong si Senator Go sa 980 residente sa siyudad na ginanap sa Barangay 102 covered court, kasama rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Photo: Sen. Bong Go FB