Sunog kumitil sa isa, nakaburol hindi nailikas at natupok ng apoy
Anna Hernandez November 4, 2024 at 09:18 PMPASAY CITY — Nasawi ang isang 20-anyos na lalaki habang isang nakaburol na bangkay ang nadamay rin sa sunog sa isang residential area sa Pasay City, ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 4.
Sa inisyal na ulat, pasado alas- 11:00 ng umaga nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Cuyegking Street, Barangay 1, District 1, Pasay City.
Umakyat ito sa ikalawang alarma pagsapit ng 11:54 ng umaga. 1:00 ng hapon nang ideklarang fire under control ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Alas 3:14 ng hapon nang tuluyang maapula ang apoy na tumupok sa tinatayang 25 kabahayan at milyong halaga ng ari-arian.
Ayon sa opisyal ng barangay, isang 49-anyos na lalaking nakaburol ang hindi na nailikas at tuluyang kinain ng apoy.
Ayon pa sa imbestigasyon, ang lalaking nasawi ay isang dishwasher na nagtatrabaho sa gabi kaya nasa kahimbingan ng tulog nang magkaroon ng sunog.
Dalawang residente naman ang naiulat na nagtamo ng minor injuries.
Maraming fire trucks din mula sa iba-ibang fire volunteer groups ang rumesponde at nakatulong sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Pasay, ayon kay Senior Fire Inspector Franky Romaraog.
Kumilos na rin ang Pasay City Social Welfare and Development Office para asikasuhin ang mga lumikas na pamilyang nawalan ng tirahan.
📷BFP-Pasay