| Contact Us

Tinatayang 25 gramo ng shabu, nasabat sa dalawang suspek sa Caloocan

Ace Cruz June 5, 2021 at 12:59 PM

Nasabat ng mga operatiba ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) ang limang sachet ng hinihinalang shabu mula sa dalawang suspek na kinilalang sina Christina Mendoza, 37 taong gulang at si Laksaman Amatonding, 49 taong gulang, na kapwa residente ng lungsod ng Caloocan.

Isinagawa ang buy-bust operation sa Phase 12 Riverside na sakop ng Barangay 188 sa North Caloocan City, noong June 3, 10:30 ng umaga.

Ayon sa inilabas na pahayag ng NPD-DDEU na pinamumunuan nina Police Lieutenant Colonel Renato Castillo at Police Major Jerry Garces, tinatayang may timbang na dalawampu’t limang gramo at may street value diumanong P170,000 ang nakumpiskang droga mula sa kanila.

Bukod daw sa iligal na droga, nakuha rin diumano mula sa mga suspek ang isang Nokia cellphone, isang libong piso at marked money na nagkakahalaga ng P29,000.

Kasunod nito, dinala na sa istasyon ng NPD-DDEU ang dalawang suspek. at sinampahan sila ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Photo courtesy ofNPD-DDEU

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last