| Contact Us

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna kontra polio, rubella at tigdas sa Caloocan

Mike Manalaysay May 16, 2023 at 06:18 PM

Patuloy ang pagbibigay ng libreng bitamina at bakuna kontra rubella, polio, at tigdas para sa mga mamamayan ng Caloocan, sa pangunguna ito ng City Health Department (CHD). Alinsunod ito sa “Chikiting Ligtas” immunization program ng Department of Health na naglalayong pigilan ang pagdami ng mga sakit na nabanggit. Walang gamot sa mga sakit na ito pero maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna. Base sa pag-aaral ng DOH, kabilang ang Pilipinas sa sampung bansa na may pinakamaraming batang hindi protektado ng bakuna.

Ayon sa pahayag ni Mayor Dale “Along” Malapitan, mahigit 29,929 katao ang nabigyan ng proteksyon laban sa rubella at tigdas, 24,759 naman ang nabakunahan kontra polio, at 2,998 ang nakatanggap ng Vitamin A sa loob ng dalawang linggo ngayong buwan ng Mayo.

Ganunpaman, hinihikayat pa rin ni Mayor Along Malapitan ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para sa kaligtasan at proteksyon ng kanilang kalusugan.

“Panawagan po natin sa mga magulang na pabakunahan na ang ating mga anak. Mananatiling bukas ang mga immunization sites at patuloy na magbabahay-bahay ang ating mga health workers hanggang May 31, 2023.

Sulitin po natin ang pagkakataong ito upang gawing mas ligtas, malusog, at protektado ang mga Batang Kankaloo,” ayon sa Punong Lungsod.

Nagsimula ang malawakang pagbabakuna noong unang araw ng Mayo. Maaaring makakuha ng measles-rubella at oral polio vaccine para sa mga bagong silang hanggang 59 months na gulang na bata sa pinakamalapit na health center, rural health unit, pribadong klinika at outpatient department ng mga ospital. Ipinamimigay rin ang ang Vitamin A supplements para palakasin ang immune system na importante sa paglaki ng mga bata.

Photo: Mayor Along Malapitan FB

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last