Umabot na sa 1,292,762 na mga bakuna kontra COVID-19 ang naiturok na sa Lungsod ng Caloocan
Ace Cruz September 8, 2021 at 04:05 AMSa pinakahuling datos na inilabas ng Caloocan City Health Department, sa higit 1.2 milyong naiturok nang mga bakuna, 800,544 katao ang bilang ng mga nakatanggap ng first dose, habang halos kalahating milyon dito ang bilang ng mga nakakuha ng second dose ng bakuna.
Bukod sa bilang ng mga naiturok na bakuna sa lungsod, inilabas din ng city health department ang pinakahuling datos ng mga dinapuan ng COVID-19.
Umabot na sa 48,873 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lungsod, may 2,936 sa mga ito ang nananatiling aktibo sa virus.
Dahil dito, napagdesisyunan ng lokal na pamahalaan na isailalim ang ilang mga barangay nito sa granular lockdwon para mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Kabilang dito ang ilang lugar sa barangay 89, 123, 141, 179 na pawang magtatagal ang umiiral na restriksyon hanggang sa September 9, 2021.
Habang umiiral naman ang total lockdown sa buong barangay 7.
Ibig sabihin lamang, sa kasagsagan ng granular at total lockdwon hindi papayagang makalabas ang kanilang mga residente maliban na lamang sa mga healthcare workers, local government employees, tauhan ng barangay, mga pulis at ang mga residenteng nangangailangan ng atensyong medikal.
Photo courtesy of Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan Fb Page