Vaccination Rush sa Las Piñas
Arkipelago News August 7, 2021 at 04:22 AMIsang araw bago ipatudad ang ECQ o Enhanced Community Quarantine, daan-daan tao ang sumugod sa ilang vaccination centers sa Metro Manila para sa kanilang first dose ng bakuna kontra COVID-19. Isa na rito ang Las Piñas Doctors Hospital na kung titingnan sa video, aakalaing may isang sikat na personalidad na hinahabol ng kaniyang fans. Kaya naman, imbes na masunod ang social distancing ay nauwi ito sa sisksikan at tulakan ng mga dumagsa sa iba’t ibang vaccination sites.
Ang nasabing biglang pagsugod ng mga nais magpabakuna ay bunsod ng kumakalat na balitang No Bakuna No Ayuda. Subalit pinabulaanan kaagad ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque at sinabing ito ay fake news. Sinabi pa ng kalihim, na walang diskriminasyon sa pamamahagi ng ayuda sa Metro Manila, bakunado man o hindi.
Lubhang naalarma rin si Metro Manila Development Authority (MMDA) Ben Hur Abalos sa naging sitwasyon sa mga vaccination sites. Karamihan daw sa mga ito ay madaling araw pa lang ay naroon na para pumila. Dagdag pa ni Chairman Abalos, nawalang saysay raw ang kahalagahan ng mga ginagawang hakbang ng gobyerno tulad na lamang ng pagpapatupad ng ECQ dahil mas lalong inilagay ng mga sumugod sa bakunahan sa peligro ang kanilang mga kalusugan at pamilyang uuwian sa posibilidad na mahawa sa COVID-19.
Pinabulaanan din ng local government unit (LGU) ng Las Piñas ang No Bakuna No Ayuda. Makatatanggap ang mga dapat makatanggap ng ayuda sa panahon ng lockdown. Dahil din sa naganap na insidente, pinatigil ng LGU ang pagbabakuna sa Las Piñas ganun din sa SM Southmall na blockbuster din sa pila.
Screengrab from Gerald Evalla Fb
Video courtesy of Anthony Malavega Diega Sr. Fb