| Contact Us

World Health Organization bumisita sa Caloocan

Mike Manalaysay June 4, 2023 at 02:28 PM

Bumisita sa Caloocan City sina Dr. Hassan Reazul, consultant on vaccine preventable diseases and immunization ng World Health Organization (WHO) at Dr. Aleli Sudiacal, Department of Health (DOH) Regional Director, ayon sa inilabas na pahayag ng Caloocan Public Information Office. Sumama ang WHO at DOH official sa mga health worker ng lungsod sa kanilang pagpunta sa mga bahay upang masigurong nabigyan lahat ng bakuna kontra rubella, polio, at tigdas. Bahagi ito ng Chikiting Ligtas Immunization Program.

Nagpasalamat naman si Mayor Dale “Along” Malapitan sa WHO at DOH dahil sa ibinibigay nilang tulong, suporta at paggabay sa Pamahalaang Lungsod ng Caloocan.

Tiniyak din ng lokal na pamahalaan na pagtutuunan nila ng pansin ang pagsisiguro na mapapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga bata sa lungsod.

Ipinatupad ng DOH, WHO, UNICEF at mga lokal na pamahalaan ang Chikiting Ligtas Immunization program noong nakaraang buwan. Layunin nitong mabakunahan ang mga bata laban sa rubella, polio, at tigdas para mapigilan ang pagkalat ng mga sakit na ito. Walang gamot sa mga sakit na ito pero maaari itong maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna. Ayon sa pag-aaral ng DOH, kabilang ang Pilipinas sa sampung bansa sa buong mundo na may pinakamaraming batang hindi protektado ng bakuna.

Photo: Caloocan PIO

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 21 Last