Community-Based Health Screening isinagawa sa Valenzuela City
Angelo Calixtro February 5, 2026 at 04:25 PM
VALENZUELA — Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Community-Based Health Screening para sa iba’t ibang age group bilang bahagi ng pinaigting na programa sa pangangalaga ng kalusugan ng bawat Pamilyang Valenzuelano.
Kabilang sa mga serbisyong inilunsad ang scoliosis screening para sa mga kabataang may edad 10 hanggang 15 taong gulang, bone screening at spirometry para sa mga edad 20 pataas, at PhilHealth YAKAP registration na may kasamang libreng medical consultation.
Naisakatuparan ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Valenzuela City Health Department, Physicians for Peace Philippines, DOST–PCHRD, Persons with Disability Affairs Office (PDAO), at Department of Education (DepEd).
Nagbigay rin ng suporta ang mga opisina nina Sen. Win Gatchalian, Cong. Kenneth Gatchalian, Cong. Gerald Galang, at Konsehal Nina Lopez. Pinangunahan ang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Wes Gatchalian.
Layunin ng programa na matukoy nang maaga ang mga posibleng kondisyon sa kalusugan at mapalapit ang serbisyong medikal sa mga residente ng lungsod.
📷 Valenzuela City FB