KADIWA pop-up store, naghatid ng murang bilihin sa mga Bocaueño
Angelo Calixtro March 28, 2026 at 09:28 PM
Naging matagumpay ang isinagawang KADIWA Pop-Up Store sa munisipyo ng Bocaue noong Marso 24.
Sa inisyatibo ni Mayor Jonjon Villanueva at sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office at ng Provincial Agriculture Office, naghatid ng de-kalidad na produkto sa mga mamamayan tulad ng sariwang isda, gulay, prutas, at iba pa sa mas mababang presyo.
Layunin ng programa na matulungan ang mga residente sa gastusin sa araw-araw, habang sinusuportahan din ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka, mangingisda, maliliit na negosyante, at mga kooperatiba.
Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Bocaue, patuloy na isinusulong ang mga ganitong inisyatibo upang mapalakas ang lokal na ekonomiya at makapagbigay ng direktang tulong sa komunidad.
📷 Mayor Jonjon Villanueva FB