Lunar New Year sinalubong ng mga Manilenyo
Angelo Calixtro February 17, 2026 at 08:32 PM
MANILA, Philippines — Libo-libong mga Manilenyo at mga turista ang nagtipon sa paligid ng Jones Bridge upang sama-samang salubungin ang Lunar New Year 2026, na kilala rin bilang Chinese New Year o Spring Festival, sa isang magarbong fireworks at drone display na itinanghal sa Filipino-Chinese Friendship Bridge kagabi.
Panauhin sa okasyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang pagdiriwang, na pinangunahan ng pamahalaang lungsod ng Maynila at ng Federation of Filipino‑Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), ay sinimulan ng countdown event at sinundan ng visual spectacle na nagpabilib sa libo-libong manonood mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at mga dayuhang bisita.
Ang Lunar New Year, na pagsisimula ng taon ng Fire Horse, ay isa sa pinakamahahalagang tradisyonal na pagdiriwang sa kulturang Tsino at sa maraming bansa sa Asya, kabilang ang Pilipinas.
Ipinagdiriwang nito ang bagong simula, kasaganaan, at pagkakaisa ng pamilya at komunidad.
Bago ang selebrasyon, nagbigay ng maikling pananalita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at hinikayat ang mamamayan na gamitin ang diwa ng purposeful haste o bilis na may direksyon bilang inspirasyon sa bagong taon.
📷 Manila Public Information Office