Mga QCitizen at PDLs, nagtapos sa Skills Training Program ng Lungsod
Angelo Calixtro April 3, 2026 at 07:17 AM
Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang isang seremonya ng pagtatapos para sa mga kalahok ng Manpower Barangay-Based Skills Training Program, bilang pagkilala sa kanilang tagumpay sa pagtatapos ng pagsasanay na naglalayong palawakin ang kanilang kakayahan para sa hanapbuhay.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang paggawad ng mga sertipiko sa mga nagsipagtapos. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na paglinang ng kasanayan upang makasabay sa pangangailangan ng merkado at mapalakas ang oportunidad sa trabaho ng mga QCitizen.
Kapansin-pansin na kabilang sa mga nagtapos ang ilang Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa QC Jail Male Dormitory, na binigyan ng pagkakataong matuto ng mga praktikal na kasanayan bilang bahagi ng kanilang rehabilitasyon at paghahanda sa muling pagbalik sa lipunan.
Layunin ng Manpower Barangay-Based Skills Training Program na magbigay ng dekalidad na pagsasanay sa iba’t ibang larangan upang mapalakas ang kakayahan ng mga mamamayan na makahanap ng disenteng hanapbuhay.
📷 Quezon City FB