Mga pamilya sa Marikina, pinangaralan sa Angkan-Angkan Night sa Ika-396 na anibersaryo ng lungsod
Angelo Calixtro April 20, 2026 at 08:36 PM
MARIKINA CITY — Nagtipon ang iba’t ibang pamilya sa Marikina City bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-396 na Marikina Day, kung saan itinampok ang “Angkan-Angkan Night” bilang gabi ng pagkilala sa kontribusyon ng mga pamilya sa lungsod.
Sa naturang programa, kinilala ang mga angkan na naging bahagi ng paghubog ng kasaysayan at kultura ng Marikina, bilang pundasyon ng matatag na komunidad.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Marikina Mayor Maan Teodoro ang mahalagang papel ng pamilya sa pagpapanatili ng pagkakaisa at malasakit sa kapwa, aniya’y hindi lamang dugo kundi sama-samang pagkilos ang nagbubuklod sa mga residente ng Marikina.
Dumalo rin si Cong. Marcelino Teodoro, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagpapanatili at pagpapasa ng kasaysayan at pagkakakilanlan ng lungsod sa susunod na henerasyon.
Layunin ng Angkan-Angkan Night na palakasin ang ugnayan ng mga pamilya at ipaalala ang kanilang mahalagang papel sa patuloy na pag-unlad ng Marikina.
📷 Marikina PIO FB