Mahigit 2,600 magulang, dumalo sa SNED Parenting Camp sa Valenzuela
Angelo Calixtro March 24, 2026 at 06:20 PM
VALENZUELA CITY — Matagumpay na naisagawa ang dalawang araw na Nanay-Tatay Teacher and Parenting Camp para sa mga magulang ng elementary at high school Children with Special Needs (SNED) noong ika 19 hanggang 20 ng Marso sa ALERT Multi-Purpose Hall.
Layunin ng programa na palawakin at paigtingin ang kaalaman ng mga magulang pagdating sa epektibong parenting para sa kanilang mga anak.
Umabot sa 1,400 magulang ng elementary SNED learners ang dumalo na may temang “Parents as Superheroes: Extraordinary Love, Extraordinary Children,” habang 1,243 naman ang para sa high school SNED learners na may temang “Heroic Hearts: Championing Unique Journey.”
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela City, sa pamamagitan ng Education 360 Degrees Program, ang pagbibigay ng inklusibo at de-kalidad na edukasyon, kasabay ng pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng mga magulang sa paggabay sa kanilang mga anak.
📷 Valenzuela City FB