Valenzuela LGU pinalalakas ang serbisyong pangkalusugan para sa mga kabataan
Angelo Calixtro April 1, 2026 at 05:26 PM
VALENZUELA CITY — Pinagtibay ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang pangako nito sa kalusugan at kapakanan ng kabataan sa pamamagitan ng isang tatlong araw na pagsasanay para sa mga healthcare worker na ginanap mula ika-25 hanggang ika-27 ng Marso sa Action Center, Barangay Dalandanan.
Sa pangunguna ng City Population Management Office at City Health Office, layunin ng Adolescent Job Aide Training na palakasin ang kakayahan ng mga frontliner sa pagbibigay ng mas maayos, sensitibo, at angkop na serbisyong pangkalusugan para sa kabataan.
Binigyang-diin sa pagsasanay ang kahalagahan ng pagbuo ng tiwala at bukas na komunikasyon sa pagitan ng healthcare workers at ng Kabataang Valenzuelano—isang mahalagang hakbang upang matiyak na natatanggap ng mga kabataan ang tamang gabay, suporta, at serbisyong medikal.
Layunin ng lungsod na makalikha ng ligtas, malusog, at suportadong kapaligiran para sa kabataan—na siyang susi sa mas matatag na kinabukasan ng komunidad.
📷 Valenzuela City