18 ilegal na timbangan, nasamsam sa operation timbangan sa mga pamilihan ng Valenzuela
Angelo Calixtro February 12, 2026 at 05:17 PM
VALENZUELA CITY — Nagsagawa ng Operation Timbangan ang Valenzuela Local Economic Development and Investment Promotions Office–Consumer Welfare Unit, katuwang ang City Treasurer’s Office, noong Pebrero 6, 2026 sa Gen. T. de Leon Market at Karuhatan Market.
Sa isinagawang inspeksyon, 18 hindi sumusunod na timbangan ang nasamsam. Labing-isa (11) sa mga ito ay may depekto o hindi calibrated mula sa Gen. T. de Leon Market, habang pito (7) naman ang mula sa Karuhatan Market.
Natuklasan din na may ilang tindero ang gumagamit ng mga timbangan na walang opisyal na selyo. Bahagi ang operasyon ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na itaguyod ang patas na kalakalan at pangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili sa mga pampublikong pamilihan.
📷 Valenzuela City LGU