| Contact Us

Balita sa Caloocan sa nakalipas na limang araw

Kate Papina March 6, 2023 at 08:58 PM

Narito ang mga bagong kaganapan sa Lungsod ng Caloocan sa nakalipas na limang araw:

  • Naglunsad ang Lokal na Pamahalaan ng Caloocan ng libreng Pelvic Ultrasound para sa mga buntis at Pap Smear naman sa mga kababaihan sa Caloocan City Medical Center (CCMC). Maaring magpunta rito tuwing Martes ngayong buwan ng Marso, simula 8:00 a.m. hanggang 12:00 nn.
  • Maaari ring magpa-breast ultrasound ng libre sa CCMC, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, tuwing Lunes, simula 8:00 a.m. hanggang 12:00 nn.
  • Isinagawa ang pagbababasbas at turn-over ceremony ng covered court sa Caybiga High School (CHS), Caloocan City – North. Kasabay nito ang panunumpa ng mga pinuno ng iba’t ibang organisasyon sa CHS.
  • Binigyan ng direktiba ni Mayor Dale “Along” Malapitan ang Caloocan City Police para paigtingin ang police visibility at ipatupad ang maximum tolerance sa panahon ng tigil pasada. Layunin nitong protektahan ang mga pasahero at mga driver na hindi kasama sa transport strike na inaasahang isasagawa mula March 6 hanggang March 12, 2023. Inatasan din ng alkalde ang Public Safety and Traffic Management Department at ang Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Office na maging alerto kung sakaling may emergency sa kanilang nasasakupan.
  • Naglunsad din ng libreng sakay ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa loob ng isang linggo para maalalayan ang mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada na magsisimula sa Lunes, March 6. Mahigit 65 na sasakyan ang dineploy para magbigay ng libreng sakay sa iba’t ibang ruta sa buong lungsod.
  • Online classes muna ang mga estudyante ng Caloocan sa loob ng isang linggo simula March 6 hanggang March 12. Pansamantalang sinuspindi ni Mayor Along Malapitan ang face-to-face classes dahil sa jeepney strike na isasagawa ng mga transport group.
  • Binuksan na ang access road sa pagitan ng Camarin at Congressional Road. Inaasahang makakatulong ito sa pagluwag ng daloy ng trapiko sa Vicas.

Photo: Mayor Along Malapitan FB

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 19 Last